photo me_zps45017343.jpg

 

picassoDLCF - RENEGADE Photography

Thursday, July 19, 2007

                      

  BASTOS? MALASWA?

3days ago, napanood ko sa news about sa pagtatalo ng mga opisyal regarding sa mga textbook na nilalabas at inaprubahan ng ched at decs yata 'yun. Ang kaso naman ngayon ay malaswa daw at hindi tama ang mga ginamit na salita. Hindi ito yung mga mali ang spelling, ibang kaso 'yun. Ang pinagdidibatehan nila ngayon ay ang salita na nilagay sa mga libro tulad ng 'bulbol' o kung ano-ano pa. Goodness! Ano pa ba ang salita doon kundi iyon. ang isang alam ko ay, balahibo sa ari. Pero ang talagang salita na ukol doon ay bulbol. So, ano kinagagalit nila. May isang prof dun at isang opisyal ng decs na nagsasabing kasalanan nila at hindi nila napansin at yung prof naman sinasabi niya na bastos nga ang salita. Kailan pa ba tayo matututo at tatanggapin natin ang salita na iyan. Iyon talaga ang salita para doon, e ano gusto n'yo gamitin ng sumusulat ng libro? Hindi pa ba tayo handa sa ganyang salita? Ewan ko sa kanila, masyado sila sa katwiran nila. Naturingan kayong mga opisyal hindi kayo mangatwiran sa tamang edad at posisyon n'yo! Akala ko ba dapat ipatupad ang sex education sa mga bata upang hindi lumaking mga mangmang at dapat may malawak na kaalaman pag dating sa mga bagay na iyan. Paano matututo ang mga iyan kung ang salitang bulbol ay pag-aawayan n'yo pa. Ano gusto n'yo pubic hair? Kasi hindi bastos sa tenga. E ano ba sa tagalog ang salitang iyan? susmaryosep kayo...kung ako'y nasa elementarya at ang libro na matatanggap ko ay galing sa inyo. mag-aaral na lang ako ng sarili ko dahil ayokong lumaking mangmang!

         Image hosting by Photobucket