photo me_zps45017343.jpg

 

picassoDLCF - RENEGADE Photography

Monday, January 28, 2008

                      

  AM I NUTS?

1. Bakit pag nasa grocery ako or anywhere kung saan may que, asar na asar ako na nasinisingitan ako. Yung suddenly may pipila sa harap mo. Pero pag ako nasa que at nakita ko may vacant sa middle sumisingit ako. AM I NUTS?
2. Bakit pag nakapila ako sa mrt at may nakita ako friends ko nakapila at he/she is near na sa counter, lalapit ako at pabibili ako ng ticket para mauna or sesenyasan niya ako na siya na bibili ng ticket. But everytime may makikita ako ganun eksena, naaasar ako. Gusto ko sabihin 'Pumila ka! d'mo ba nakikita na nakapila kami!' AM I NUTS?
3. Bakit pag sumasakay ako bus naasar ako pag nakikita ko na parang mga buntings ang mga ticket na nagkalat at nakaipit sa mga singit ng chair o window ng bus, pero maya-maya d'ko napapansin tinutupi ko na pala ang ticket at ayun isinisinigt ko din sa gilid ng chair. AM I NUTS?
4. Bakit may ugali ako na pag nakaupo ako sa bus, sa seminar, o kahit saan napapagtripan ko kutkutin ang upholstery at kibukutkot ko ito hanggang sa lumaki ang butas. AM I NUTS?
5. Bakit minsan, syempre magtatanggal ka ng laman ng nasa loob ng ilong mo, why is it pag nakuha ko na siya kailangan ko pa siya tignan at talagang patay malisyang ipupunas ko kung saan, na kung saan pag may nakita ako o nahawakan sa ilalim ng mesa na ganun asar na asar ako. AM I NUTS?
6. Bakit minsan mapamintas ako, pero ance na makarinig ako ng may mamintas sa akin, aawayin ko yung tao. AM I NUTS?
7. Bakit asar na asar ako sa tao pag nakikipag-unahan sa pagsakay sa jip at nauunang umupo sa dulo. Pero pag may pagkakataon ako din doon pupesto. AM I NUTS?
8. Bakit pag ayaw abutin ng nasa harap ko ang bayad ko asar na asar ako? samantalang pag ako nasa harap pasimple ka pang sisimangot ako. AM I NUTS?
7. to be continued.........hehehehe

         Image hosting by Photobucket